Friday, September 08, 2006

hate... maybe not.

My blog, in my language...

Ilalabas ko na ang mga laman g puso ko na itinago ko noon pa man.

Para ba akong walang kwenta para sabihan na wala ka nang ginawa na maganda? na lahat nalang inaasa mo? sino ba naman ang
matutuwa kapag sinabihan ng ganyang kasakit na pananalita. Ganitohin ba naman ako?
hampas-lupa na ba ang tingin mo sakin? hindi mo man sinadya ang sinasabi mo, hindi mo ba naisip na nakakasira ka ng damdamin ng sinasabihan mo? ha? walang utak at walang modo na ba ang tingin mo? ( labag sa kalooban ko na sabihin ang mga pangalang tumutugon sa nagsabi noon )

ang sakit ng puso ko ngayon ay hindi lamang dahil sa mga salita na iyon kundi pati narin dahil sa aking minamahal... maaring nagkulang ako, pero hindi naman dapat ako ginanito! masakit sa sarili ko ang malaman na may iba ka na, pero wala naman akong magagawa sapagkat wala na akong karapatang mangulo o kahit magkipagsalita ng matino sayo. lahat man nang gawin ko ay parang wala nang halaga sa iyo. hindi mo ba napapansin ang ibig kong ipahiwatig sayo? mahal kita, kahit anu man ang mangyari. yan ang nilalaman ng puso kong nagdurusa ngayon. wala na akong inisip na iba kundi ang mapalapit saiyo kahit man maging magkaibigang matino... iyon lamang ang tanging pakiusap ko sa iyo... maawa ka na saakin.

-Niex

No comments: